Ate:Kailan ka pa nagpahaba ng buhok?
--> 'Nagulat at nagdalawang isip ako akala ko napasok ako sa barbershop.'
Ako: SINCE BIRTH PO.
Ate:Eh bakit sa SSS maikli buhok mo kung since birth?
--> Nakalimutan ko dun pala sya tumitingin sa SSS ID na binigay ko.At di umubra linya ni Vice Ganda at may baon din sya.
Ako:Sensya na po bihira lang ako magpagupit di kasi ako sanay na maikli buhok ko.Nung highschool pa po yang kuha nung graduation. At lam nyo po idol ko po kasi si Snooky Serna nung bata pa ako.Ang haba kasi at kintab ng buhok nya at ng ahas nya hanggang sa balikat sa pelikulang Anak ni Zuma – w/ Max Laurel noong 1988.Takot kasi ako kay ZUma dati kala ko totoo.Naaalala mo yung pelikula na yun?
-> "Natawa si Ate naalala nya yung pelikula favorite nya rin ata."
Ate: OO naman.Artist ka ba?
-> "Di ko alam ano gusto palabasin ni ate.Narinig ko na yan dati pag gumigimik kami sa at two bottles sa Gilligans sa Mandaluyong.Kaso ang tanong sa akin ay kung Nagbabanda ka ba ?Iniisip ko iba siguro ang mindset ng bangkero sa waitress.OO na lang ako kay Ate at sinakyan ulit para di ako maboring.
Ako: Opo.
Ate: Sculptor ka ba? Painter?"
-> "Sa isip ko.Ate kaya ko lang idrawing hanggang ngayon dalawang bundok na may araw sa gitna at bahay kubo sa unahan na may konting cocounut trees sa paligid and flying birds sa ulap.Gusto ko rin sabihin Conditional blogger po .Depende po sa kondisyon ng utak at inpirasyon sa sitwasyon katulad ngayon.Sge iblog ko to nainspire ako sa usapan natin at sobrang ngiti ng diddib ko..
Ako:Painter po?Magaling po ako sa MS PAINT.Katunayan binati ko po kanina yung kasamahan ko dahil birthday nya . Inedeit ko sa MS Paint yung picture nya at nilagay sa logo ng FB.
Ate:Pero bakit yung signature mo letter e yung dulo.
->" Ayaw tumigil ni ate di lang ata mahanap yung form na pinirmahan ko last Thursday.Gusto ko sabihin walang pakialamanan ng font and besides pirma ko yan."
Ako:Kasi po mali yung birth certificate ko.Orbase kasi talaga surname ko at di Orbasi.Mali po yung nakalagay sa birth certificate ko pati po yung sa dalawang kapatid ko pero tama naman po sa dalawang nahuli kasi lima kami.Di na po napaayos ng parents ko.Pasensya na po kung napagisip kayo.
Ate:Di inayos ng nanay mo?
Ako:Patay na po sya .Amost 5 years na po.
Ate:Eh yung sa passport mo paano ka nakakalabas ng bansa?
Ako:Ate ayun na po yung sinunod ko kasi ang hirap palitan dati.Ayan na rin kasi nakaindicate sa Passport ko ,sa ViSA ko sa Japan dati, Form 137 ko,sa transcipt ko, sa voters ID ko,sa PhilHEALTh,Sa Barangay ID,sa Credit Card sa PLDT billing ,sa Sky Cable at sa mga previous employer ko and sa current employer ko po..... Accenture.Ayan na rin po Surname ng apat na anak ko.At higit po sa lahat yan na rin po nakalagay sa SM Advantage Card ko.
->" Gusto ko sabihin kay Ate dami maapektuhan at huli na nag lahat para itama at mahirap mag leave di ako makakahabol sa Work Balance Sheet"
Ate: Ilan taon ka na sa Accenture?
Ako: Mag 6 years na po.
Ate:Sge fill up mo muna to habang hinahanap ko yung form?Ano credit card mo?
Ako: Citibank po.
Ate:Ano araw at oras ka pwede tawagan?
Ako:Saturday po 1pm onwards kasi hapon na po ako nagigisng except kung may schedule ako ng turo sa Charity ko sa mga bata sa Pandacan.
Ate: Kuha ka sa amin ng credit Card ha! pati Loan ha!eto na ATM mo.Sama mo na yung bahay!
Ako: Sge po.Pwede na po akong umalis?